Martes, Setyembre 22, 2015

SULONG WIKANG FILIPINO! (Bienvenido Lumbera)

"Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan... ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan."

- BIENVENIDO LUMBERA, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan

(c) twamkittens. July 18, 2015. Retrieved: https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ

Kasaysayan ng Wikang Filipino


(c) Fedil II Gascon Sanico-Lozada Jan. 12, 2015 Retrieved: https://www.youtube.com/watch?v=QS-EWXunGEE

Bakit ba mahalaga pahalagahan ang sariling wika?

         Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mg tanong na di mawari sa aking isipan.

         Bilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap.

          Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta. 

     Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika dahl sa archepilagong hugis ng ating bansa . Layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at nagtalaga nang ating sariling Wika dahil maraming hindi desidido at hindi sang-ayon dito. Hanggang nakapagdesisyon na ang madla na nang magiging Wikang Pambansa ay ang Wikang Filipino. 

    Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa na rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin ang ating wika bawat segundo, minuto at araw sa ating buhay. 
         Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles ay ang pangunahing lenggwahe na mas ginnagamit nang karamihan kahit saan man sila magpunta sa mundo. Pero para sa akin at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan, mas pinahahalagahan nila ang kanilang sariling wika kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. 
         Sabi pa nga g ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. 

Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. 

         Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga.

Source: https://nicolejarguilla0915.wordpress.com/2012/08/01/paggamit-ng-wikang-filipino-ay-mahalaga/

"Tanging Ala-ala Nalang"


Pamana ‘nyong pagtula ay aking naging inspirasyon 
Laging nakasulyap itong isipan ko’y nakatuon 
At pangako pong sa limot ito’y hindi mababaon 
Maituturing kong kayamanan sa habang panahon

Habang noo’y lumalagaslas ang malakas na ulan 
Ang putol putol ‘nyong tinig ay ‘di ko naintindihan 
Tanging malinaw kong narinig dadalhin ng ospital 
Ang iyong inay nakahandusay at wala ng malay

Huli ninyong mensahe ngayon ko lang naintindihan 
Kayo pala itong mawawalan ng malay at buhay 
Gabi’y binasag sa balitang kayo’y nasagasaan 
Nang humaharorot na tricycle at basta iniwan

Maraming natulala sa balitang nakakabigla 
Sa dahilang ang buhay nyo’y naglaho na parang bula 
At wala kaming nagawa kundi ipatak ang luha 
At banggiting Panginoon Ikaw na Po ang bahala

Ang nilakbay ‘nyong buhay ay dumating na sa hangganan 
Mga lungkot ‘nyong nadarama’y napawi ng tuluyan 
Ang paghihirap nyo’y napalitan ng kaligayahan 
Ang pagal ‘nyong katawan, binigyan ng kapahingahan

May bigat at kirot sa ‘king dibdib ang inyong pagpanaw 
Kaming inyong mga anak na sa inyo’y nagmamahal 
Ang tulang hinabi mo sa dibdib mo’y sadyang bumukal 
Nakahanda kang kami’y inyong iiwan ng tuluyan.

At sa aking pag uwi sa probinsya kapagka minsan 
Sino pang ama ang sasalubong sa aking pagdatal 
Na tila ang saya at tuwa ko’y wala ngang pag sidlan 
Sa pananabik na muling kayo’y makaka kwentuhan

Sino ngayon doon ang amang aking pagbibidahan 
Nang kung ano anong buhay na aking nararanasan 
Na sa bawat aking nakakamit na saya’t tagumpay 
Laging nakangiti’t naluluha sa kaligayahan

Maraming bagay ngayon ang aking hinahanap hanap 
Ang inyong pangungumusta at ang lagi ninyong pagtawag 
Ang pagbabalita ng kung anong anong nagaganap 
Sa pag aalaga kay inay na kayo ang naganap

Diksyonaryong Pilipino (1)

Kahulugan ng Malalim na salita

                         Halina't Magaaral at Umalam ng iba pang Salitang Tagalog! 


  • apuhap -hanap
  • animo-wari
  • agam-agam-pangamba
  • anaki-tila
  • alintana – hindi inaala-ala
  • alingawngaw-ingay
  • bahagdan porsyento
  • balakid-hadlang, harang
  • Balintataw-guni guni
  • banaag- aninag
  • beranda-balkunahe
  • busilak-malinis
  • batingaw-kampana
  • binabagtas- nilalakaran
  • banaag-naaaninag, nakikita
  • bungad-harap
  • bukang liwayway-umaga
  • kaulayaw- laging kasama , laging kausap
  • kakarampot- konti lang
  • kahulilip-walang kapantay
  • kalaban-kaaway
  • kalipon-kausap
  • kasiping- katabi
  • kaakibat-kaagapay, kasama
  • kandili-aruga
  • kumakandili-nagmamalasakit
  • kumpol ng bulaklak- bunton ng bulaklak
  • dalampasigan-tabing dapat
  • datapwat- subalit
  • dalita-aba
  • dagok sa buhay-pagsubok sa buhay
  • dalampasigan-tabing dagat
  • dumatal-dumating
  • iagdong-iangat, isalba
  • inalipusta-inapi
  • iniinda-idinadaing
  • lipulin-puksain
  • lagpak-bagsak
  • mabulid-mahulog. matumba,(ibang anyo hal. mapasama sa kasamaan)
  • marahuyo- maingganyo, maingganya, biglang maaya o maisama o maakit
  • malumanay-mahinahon
  • mawatasan-maunawaan
  • mawari-matanto, malaman, maintindihan
  • magarbo-magara
  • magbungkal-maglinang
  • magsikhay=maghanapbuhay
  • malanta-matuyo
  • malasutla=malambot
  • malamyos-mahinahon, malambing
  • manlupaypay-manlambot, manghina
  • masimod-matakaw
  • naantala-naabala
  • naudlot-napigil, napahinto
  • nasadlak-napapunta
  • nabanaag – nakita
  • nabatid-nalaman
  • nagbabalatkayo-nag-iibang anyo, nagkukunwari
  • nagkukumahog- nagmamadali
  • nagagalak- nasisiyahan
  • nakahandusay-nakalugmok, nakahiga, nakalupagi
  • nalugmok-nadapa, napalupagi
  • nanlumo-nanlambot (hal. nanlumo ako sa aking nakita)
  • namamayagpag-nagtatagumpay, sumisikat, unti unting nakikilala
  • naapuhap-nahanap
  • nagniningning-kumikinang
  • napadupilas-nadulas
  • nasukol-nahuli
  • papagayo-sarangola
  • pinagtagni-pinagdugtong
  • subalit-ngunit
  • supling-anak
  • sapantaha-hinala
  • sandamakmak-marami
  • sinasambit-winiwika, sinasabi
  • Takipsilim-paglubog ng araw
  • tinatahak-nilalakbay
  • tinanuran-binantayan
  • Tumalilis- tumakbong mabilis
  • Tungayawin – sumpain

Bidyo ukol sa Modernong Kabataang Filipino.


Ang video na ito ay ginawa ng kapwa namin mag-aaral sa De La Salle Lipa na sina Mikee Baldemor, Daniel Camaquin at iba pang magaaral. Itong video na ito ay nagkamit ng panalo sa "UP Caballeros: Tiktaktalaok Competition" na ginanap sa De La Salle Lipa taong 2012.

Kaligirang Isyu ukol sa Wikang Filipino


Sa panahong ito, umuunti na lamang ang mga mamamayan ng bansa na gumagamit ng wikang Pilipino, kalimitan ang ginagamit na wika sa kani-kanilang tahanan ay wikang Ingles at kalimitang kinagigisnan ng mga batang bagong silang na wika ay Ingles. Kaya naman, naisipan ng grupo na panatilihin o ipreserba ang wikang Pilipino para sa susunod na henerasyon ay patuloy itong magamit at mapagaralan.

Marahil mahirap unawain kung bakit marami sa atin mga kababayan ang mahilig mag-ingles lalo na yung mga nai-interview ng mga media. Halos karamihan kung sumagot ay ingles ang ginagamit. Meron naman, kapag tinanong sa wikang tagalog, ingles ang ibinabanat. Kapag ingles ang tanong, tagalog naman ang sagot. Minsan, kapag nakakapanood ng mga interview sa telebisyon, hindi ba’t parang nakakainis. Hindi nyo ba napapansin na kapag nabibitin sila sa pagsagot ng ingles nag-iisip pa sila kung ano ang sasabihin. Bakit hindi na lang magtagalog para deretso ang sagot dahil ramdam mo pa ang nais nilang iparating. Lalo na kung balita, mahalagang mas naiintindihan ng mga nanunuod kung ano ang kanilang sinasabi. Kaya mas tinatangkilik ng mga manunuod ang mga istasyon ng TV na tagalog ang wikang ginagamit. Kailangan turuan natin ang ating mga anak na managalog ng maayos o gamitin ang sarili nating wika o katutubong wika ng sa gayon mas lalo nilang mahalin ang bansang kanilang kinabibilangan. Kung meron mang mga bata na mahilig magmura ay dahilan ng kakulangan sa kaalaman sa wastong pananalita. Sabi nila, kailangan natin sanayin ang mga kabataan sa salitang ingles dahil ito ang mga kailangan ngayon sa trabaho. Kailangan fluent ka sa ingles para ikaw ay may dating at mas katanggap-tanggap ka sa kumpanyang inaaplayan mo. Oo, alam naman natin yan dahil sa panahon ngayon dapat mas lamang ka sa iba. Kung hindi ka nga naman marunong bumasa at umunawa ng ingles, tiyak matatambay ka ng matagal lalo na kung ang trabahong hanap mo ay nangangailangan ng mataas na pinag-aralan.

Pero, obserbahan nyo ang takbo ng ating bansa. Sa wikang Pilipino pa nga lang hirap na ang ibang magkaintindihan. Ilan sa ating mga kabataan ang hindi alam ang tunay na kahulugan ng ibang salita natin. Sa dami ba naman ng katutubong wika natin eh paaano nga tayo magkakaisa at magkakaunawaan. Kaya sa wikang pilipino dapat panatilihin natin ating ugnayan dahil ito ang ating pambansang wika. Hindi Ingles.

Nararapat lang gamitin ang ingles o ibang pang banyagang salita kung ang kausap mo ay isang banyaga.

Ang mahirap, baka tuluyan ng mabura sa isipan ng mga susunod pang henerasyon ang ating sariling wika. Nariyan na kasi ang mga salitang jejemon dahil sa text messaging. At ang kabataan ngayon marami ng pinapausong salitang hindi angkop na maipamana sa mga susunod na henerasyon. Pag nagkataon, marami sa ating ang magiging dayuhan sa sariling bayan. Ano pa ang maaari nating ipagmalaki sa ibang bansa. Minsan, hirap na ang ilan sa ating na magsalita ng atin wika dahil sa pilit nating pinahahalagahan ang mga wikang banyaga.